Thursday, June 16, 2011

Nakakatuwa walang nakapansin, walang nakatanda, at walang nag pa alala sakin ng araw na to.. 10 minuto bago matapos ang june 16 2011 ang pangalawang taon sana namin ng babaeng ng iwan sakin.

ang babaeng sinamahan ko, at pinangarap ko makasama sa hinaharap dati.

Pero ngayon nag iba na ang pananaw ko sa buhay buhay, marahil kaya kami nag kahiwalay o pinag hiwalay dahil sa sobra na masyado ang pag ibig?

Pero ganon paman di ko pinag sisisihan na nag kahiwalay kami, pinag sisihan ko lang di ko manlang nasuntok kahit isa yung lalakeng pinag palit sakin.

Hindi kasi ako yung tipo ng tao na nanununtok nalang eh, halos lahat ng kabarkada ko sinabi na banatan na daw, pero ako ang umayaw, ayoko kc ng gulo, ayokong lumabasa na parang walang pinag aralan at patay na patay sa babaeng di naman ako ang pinili..

1 buwan ng huli kaming mag usap, nung huling usap namin na yon, mejo natauhan na ko, bakit kasama ko padin sya? parang di na ata tama? bakit kapag di sya OK nasakin sya?, napakalabo ika nga, kapag kelangan nya ko nandito ako, pero kapag ako naman ang may kelangan sa kanya, (madalas wala sya o kaya di nya ko napag bibigyan).


Noong 1yr namin, nag kaaway pa kami ng dahil sa dota, nakipag pustahan kasi ako non, at mejo di ko sya naasikaso, pero nung gabi na bumawi ako, dinala ko sya sa lugar kung saan naging kami, noon di ko alintana na mag kakahiwalay pa kami, kasi nag kakasundo naman kami sa lahat ng bagay eh, ng biglang... alam mo nayon, kung nagbabasa ka ng blog ko dito..

Masaya ako ngayon, nabibili ko kung anong gusto ko, nagagawa ko, nade-date ko, natetext ko, lahat nagagawa ko.

Masaya ako ngayon, pero di ko matatanggi na mas masaya ako noon sa piling nya, pero dumating nadin sa point na nakakasawa na, nakakapagod na palang mag hintay, tapos yung hinihintay ko committed sa iba, atlis sya may bf, ako wala? tapos hihintayin ko sya (anyway hindi nya sinabi na hintayin ko sya, pero nang hihinayang lang ako baka kc dumating yung time na bumalik sya) PERO WAG NALANG.

LUGING LUGI na ko..

pero salamat kasi kahit pano, nakaramdam ako ng sobrang saya noon, siguro ngayon ready na ko.


WALA NA PATI AKONG PAKIALAM SA DEAL natin...


ayoko ng makipag kasundo, pero ok lang na friend padin tayo. friends na di mag kakilala ^_^ ok na.. 17 na,ok na tong blog ko... update lang, mejo matagal ng di nasundan yung last post e

1 comment:

  1. :)))

    sa pagbabasa ko ng mga blog mo , (simula kagabi pati ngayon .. Kasabay ng mga aralin ko haha) nararamdaman kong iba yung pagmamahal mo sa babaeng iniwan ka ng biglaan .. Grabeng pagmamahal dre na hindi na mauulit ever ! Ihihi .. In fact , nanghihinayang ako sa nangyari sa inyo .. Kung ako ang iyong fairy godmother , ipagkakaloob ko sa inyo ulit yan ^_^

    anyways , mwah ! Ehehe ..

    ReplyDelete