Sunday, October 31, 2010

i wish all the best for me

Sana nga maging oK na ang lahat sa pag dating 20yrs old ko ehehhe.. sana mas mag enjoy ako.. sana kayanin ko padin ang ECE... sana maka graduate on time.. sana makakuha ng necklace.. sana makapag OJT na..


sana...


HELP ME LORD

thank you po.. sa blessing na binigay nyo sa nag daan na 20yrs.. more blessing po..

thx

Huling i love you

huli na yung i love you na yon... sa susunod iba.. na...

kasi 20yrs old na ko... mas matured na ko nun

Suko na ko... pero

tama na muna..


sigurado na kong mag papahinga na muna ako, pipilitin ko...

sana kayanin ko....

pero sa pag balik mo.. sana ikaw padin....



Goodbye

Kung di nag kabreak ng august 17

kung di sana ako pumayag sa gusto ng mama nya, kami padin sana.....
Sana kinausap ko na talaga ang mama nya, sana tinapangan ko nalang, pero tingin ko di padin magiging oK ang lahat... Kelangan ko to, kelangan nya din.. pero pag katapos nito! tapos na!


Sa ngayon may tampo pa talaga ako sa mama nya, kasi naman, pinag break nya kami, tapos after a month may nag paalam na manliligaw tapos pumayag sya, awts! ang sakit talaga...

Hay.. pero dapat.. dapat! hindi sya pumayag, pero ano banaman ang magagawa ko, ako lang naman ang taong nag mahal eh..

Pero nirerespeto ko padin ng buong buo ang mama nya, ginagalang at iniidolo... dahil sa pag papalaki nya sa taong minahal ko ng lubos. sa pag papalaki nya ng mabait, masipag, matalino, madiskarte, matulungin, at simple dalaga na si arianne...


MAMA? sana tinawag na kitang mama noon pa man, sana naging makapal ang mukha ko... sana naging close kami, sana nag palakas ako ng lubos sa kanya...

Sana.......

makabawi ako sa MAMA ko sana....

Hindi pala ako nag iisa

Kanina nag simba ako sa simbahan sa tayuman, then naisip ko wala akong kasama, nalungkot ako, naisip ko yung taong lagi kong kasama sa pag sisimba, sa araw araw at sa mga panahon kelangan ko ng suporta..... Nalungkot ako ng lubos...

pero yung nag simula na yung misa.... naisip ko na kasama ko pala si God, For sure di nya ako iiwan!


I know!

Thank you lord sa 20yrs ng buhay ko, kelangan ko pa ng madami pang panahon.. para matupad ang mga pangarap nila na pangarap ko...

Saturday, October 30, 2010

Kung kaya mo kakayanin ko nadin..

No choice na ko.. kung kaya na nya akong iwan, kung kaya na nya kong tiisin, no choice na nga talaga.... kundi ganon nadin ang gagawin ko. kelangan ko ng kalimutan ang lahat! kelangan ko ng mag pokus sa ibang bagay, i know naman na makakaya ko talaga, ang tanong ko lang naman eh, hanggang kelan? sana bukas wala na ang nararamdamang sakit! sana bukas naman Maging masaya na ko, sana naman bukas, ayun ang regalo ko...

Minsan lang naman ako mag wish eh.. ang wish ko naman sa sarili ko eh. SUMAYA AKo..
di naman siguro masama, hinahangad ko lang din naman ang kasiyahan nya, pero ngayon mas kelangan ko ata ang kasiyahan ko....

Kahit sa iba na lang.. wag ng pilitin ang ayaw...

wala na kong magagawa............

3/4 ay masaya... 1/4 hindi na.........

Oh... my gosh.!

hahaha tatanda nanaman ako.. ng isang taon!

BENTE na ko... ano ba yun, hahaha... patuloy nga lumilipas ang panahon ng di natin namamalyan, napapansin nalang natin na yung edad natin nadadagdagan nalang.

Isa sa pinaka masayang age ko ang pagiging 19yrs old, sa loob ng 3/4 ng year na to, naging lubusan akong masaya sa feeling ng X ko na si arianne, pero sa 1/4 yun na yung masakit hahaha.. mag drama daw ba ako? pede naman siguro, marami nga lang siguro ang mag babadcomment, about dun, pero di ko na naman kayang itanggi sa sarili ko sya padin naman... kung pede nga lang mawala agad, eh.. kung ganon lang ba kadali diba? edi sana wala ng malungkot ngayon....

Nakakapagod na

Sabi ko dati
kahit anong mang yari ipaglalaban ko siya
Kahit anong mangyari diko hahayaan mawala siya
pero nakakapagod din pala na ipag laban
yung taong walang ginawa


KUNDI PAKAWALAN KA..

Nakakapagod nga din talaga...

Suko na ko...

Hindi sa ayaw ko na sa kanya..

Kundi sobrang sakit na talaga kung ipipilit ko padin ang sarili ko sa tao na ayaw nanaman akong ipag laban..

Hindi naman naging madali..

Kelangan ko pa ng mahabang panahon para mapilit ko sa sarili ko na talagang oK na ko.

Di ako nag mamadali na makahanap ng bago, ang gusto ko lang eh, Kung masaya na sya, AKO NAMAN SANA ANG MAGING MASAYA...

Friday, October 29, 2010

Ang kwento ko....

Sunday non, bakasyon....

may nag txt sa CP ng mama ko ng quotes, tapos nabasa ko, may load si mama kaya nireplyan ko yung txt nya, tapos tinanong ko.

me:who u

tapos nag reply:arianne

me:sino yun?

arianne: yung pamangkin ni tita miner

me:sino di ko kilala?

tapos nag met kami sa labasan ng street nila..


ayon nag kita kami. sya pala yung batang nag aaral sa BES, dati kong school mate na matalino, at masipag, yung madalas maikwento, yung madalas mautusan pag usapan assignment na ang topic ng mga mag aaral sa lugar namin..

Simula nun naging mag katxt kami..

masaya syang katxt...

Tapos na pakilala ko sya sa kaibigan ko, crush pala nya yun, tapos akala ko nun magiging sila tapos hindi pala...

after a months nagulat ako, nag kakagusto na sya sakin, sa totoo lang gusto ko nadin naman sya ng panahon na yun ang kaso may mahal akong iba, mahal ko pa ang bestfriend ko nun,

Dati nung mag katxt kami... naging topic namin, yung about "kung sino ang top 1 na katxt mo"

sabi nya ako daw..

at sabi ko sya din..

kasi sa totoo lang masaya ako pag katxt sya, sa kanya lang ako di nauubusan ng topic pag mag katxt kami, sya pati yung pag nag txt ay sigurado akong di ko matitiis mareplayan...

Nag tagal kami sa ganong sitwasyon, halos araw araw kaming mag katxt, at dumating ang time na nag kakagustuhan na kami ng di namin namamalayan.

Sunday non, july 27 2006 naging topic namin ang about sa relation ship tapos, nang gabing yun naging kami, kahit di malinaw sakin na mahal ko na sya? dahil ng panahon na yun inlove padin ako sa best friend ko.

Naging maganda din ang relasyon namin noon, bihira lang kami magkita, magkikita lang kami siguro 2x a week, dahil masyado pa kaming bata non, at ayaw padin namin na ibulgar sa mga magulang namin ang aming relasyon.

Nag karoon ng Party sa school namin noon, at nag sabi ako sa kanya na pupunta ako, Nang nasa party na ko.. may nakita akong kamukha ni arianne, nag taka ako? may kamukha ba sya sa school namin? mejo nagtaka ako, at tuloy kami sa entrance para makapasok sa school, excited kami ng mga tropa ko dahil mag sasayaw nanaman kami ng mga chicks. Nang lumipas ang 1hr, may nakita nanaman akong kamukha ni arianne! Hindi pala nya kamukha, Sya pala talaga yun, kagulat, Biglang nasira ang plano ko. Sumama daw sya ng party dahil pumunta yung pinsan nya, Tinanong ko sya kung pano nakapasok ang outsider tapos sabi nya nang hiram daw sya ng ID.Mag kasama kami ng buong gabi, 1st dance ko sya ng gabing yon, at ako daw ang 1st dance nya, nang napagod na kami sa pag sayaw pinakilala ko sya sa bestfriend kong teacher at sa iba ko pang mga ka-schoolmate, nang matapos kami don, nag pasya kami na tumambay nalang sa isang tabi at natulog ng nakaupo, Nang matapos ang party nag pasya na kaming umuwi. ang saya ng party na yun, unexpected ang pang yayari, pero masaya ko sya ang kasama ko ng buong mag damag na yun.


After a week, nag karoon sila ng tour, mag katext parin kami kahit nasa tour sya, tapos sabi nya sunduin ko daw sya, tapos past 9PM na wala padin pero still nag hintay padin ako sa tapat ng PBTS, ayun dumating din, umuulan ng gabing yon kaya may dala akong malaking payong, nang ihahatid ko na sya, tinanong ko sya, san mo gusto dumaan? sa mahabang daan o sa maikling daan? Ang sagot ba naman nya sa malayo, para mas matagal kaming mag kasama, tapos yun daan naman kami sa long way na daan, tapos yung nandun na malapit sa bahay nila, mag go-goodnight kiss lang sana ko sa kanya sa pisngi at nag kamali ako ng kiss, natama sa lips, at yun ang una kong 1st kiss, at una din nyang 1st kiss, At ayun ang naging 1st kiss namin, Di ko lang alam kung nasundan pa yun... yung paalis na ko binigyan nya ko ng chocolate, pasalubong daw, ang laki ng chocolate na binigay nya, kinabuksan pinag hatian namin ng mama ko at mga kapatid ko.

Dumating yung time, na para bang nagi-guilty ako sa feelings ko para sa kanya, kasi inlove padin ako sa bestfriend ko, at the same time inlove ako sa kanya, kaya nag pasya ako na makipag break sa kanya, tapos ayaw nyang pumayag, pero pinilit ko, dahil nakokonsensya na talaga ako ng panahon na yun, at nag break nga kami, tumagal lang ang relasyon namin noon ng 1.5month, pero sa maikling panahon na yun naging masaya ako.

At di ko alam na dun pala mag sisimula ang kalbaryo ko sa kanya....

Lumipas ang isang buwan, nakikipag balikan sya, pero ayaw ko.

Dumaan ang birthday ko, nakikipag balikan sya pero hindi padin kami nag kabalikan, at ayun nag sawa na sya, hindi na sya nakipag balikan..

Nong Christmas eve at Newyear eve niyaya ko syang mag simba at sumama sya, pero sa panahon na yun wala padin nang yari balikan..

Nag daan ang buwan, narealize ko naman ako na talaga ang mali, ako na nag aask na makipag balikan pero ayaw na nya, huli na ang lahat ng panahon na yun, may nakilala na syang iba.

Pinilit kong makipag balikan pero bigo ako ng panahon na yon....

At nawalan kami ng communication ng ilang buwan.....

Dumating ang linggo ng mga Senior, ang seniors week kumbaga, eh may cheering squad competition noon, ininvite ko sya na manood, pero that day pala ang recognition nya sa school kaya di sya nakapunta at napanood ang performance namin, nang matapos kaming mag perform wala padin sya, pag kapatos ng competition punta kami sa bahay ng Teacher namin, at tinex ko sya kung pede akong pumunta? tapos ayun pumayag sya, dali dali akong nag paalam sa teacher ko at sa mga classmate ko para makapuntang binangonan, tapos pag dating ko don tapos na ang awarding nila sa recognition at nasa jolibee sila, pag pasok ko sa jolibee nakita ko na agad sila ng mama nya at tita nya, nakakahiya at nakikain pa ko sa kanila, tapos ayun, hindi ako makasalita ng gabing yun dahil nahihiya ako sa mama at tita nya, hindi kami gaanong nakapag usap, tapos nang matapos kaming kumain umuwi na kami..

Matagal ulit bago kaming nag karoon ng communication, parang nawala nanaman ng parang bula.....



Dito na muna.. Yung susunod na mga part ay siguradong mas mahaba.... i hope matapos ko bago mag november 10, para magawan ko na to, ng story....

Pinaka masakit

Minsan napayo ko sa kaibigan ko...

Kung gusto mong makalimutan ang isang tao...

kelangan mo munang maramdaman yung pinaka masakit.. as in yung pinaka para maramdaman mo sa sarili mo na napaka sakit! tapos sasabihin mo na sarili mo na AYAW MO NA TALAGA! at papabayaan mo na sya!


kasi kung masasaktan ka ng pa konte konte lang, hindi mo mararamdaman sa sarili mo na sobra na...

Na tama na...

Mali na pala ang ginagawa mo...

yung bang dapat eh, tapos na pero hanggang ngayon pinipilit mo..

Kaya ko naman noon talaga ng wala sya, Ang kaso sa panahon ngayon, hindi mo malaman kung pano ko makakapag move on.... alam mo napaka hirap pala ng ganto, hindi ko to ginusto, (sino banaman ang gustong masaktan? wala naman diba)..


Hindi ako ng loko ng iba, para hindi ako lokohin, ano nga kaya ang susunod na kabanata sa buhay ko..

Masyado talaga akong emotional ngayon, sa totoo lang di naman talaga problema ang pag ibig eh, mas madaming problema sa mundo na dapat ayusin... pero with out love.... mahirap....

For better nga ba?

"Minsan, it's better for 2 people to break up.. So they can grow up. It takes grown ups to make a relationship work. :)"


Minsan nadin naman kami nag break.... nung 4th yr high school ako at 3rd yr sya...

tapos ngayon college na... 4th yr din ako at 3rd yr sya

parang nananadya ah!

better nga ba??? magiging better nga ba ako o magiging worse?

i choice to be a better! nasa tama ako ng matagal ng panahon, minsan man nagiging worse ako dahil sa pagiging makasarili pero dapat maging good ako....

Isa sa mga dahilan kung bakit nya ko iniwan dahil alam nya kaya ko maging mag isa...
naniwala sya sakin ng sabihin ko sa kanya na "matured ako" at alam ko ang tama sa mali".

Ano nga ba dapat ko pang gawin, sa bawat araw na lumilipas, lalo ng nakakalimutan ang WAKOKO... hay...

pano kung sya yung nag tama ng lahat

"Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa'tin - 'yung hindi tayo sasaktan at paasahin...'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin."


pano kung sya yung nag tama ng lahat...
ang hirap naman mag hanap ng bago, ang hirap din naman mag hintay ng bago, pano mu kaya magagawa mag karoon ng bago kung meron kapanaman nararamdaman sa iba, at alam mo kung gano ka lalim ang pag mamahal na un..

sa totoo lang, noon na kami pa, i never imagine na dadating kami sa punto na mag hihiwalay pa kami, at masasakatan ako ng ganto.

Pinaka kita nya kasi sakin na mahal nya ko, na hindi nya kaya ng wala ako, kaya lahat ng pag titiwala at pag mamahal ay binigay ko..

Alam mo ba pag nag mahal ka, hindi ka dapat maging seloso/selosa dapat tiwala ka sa lahat... Noon napaka bihira kong magselos, nakakapag selos lang pag na tatake for granted na ko sa isang bagay, hindi sa tao....

Hindi na tayo tulad ng dati

Noon pag may sakit ako, alam kong may mag aalaga sakin, at babantayan ako, susubaybayan ang aking nararamadaman, oras oras, hindi ako iiwan hanggat hindi pa gumagabi, lagi nya kong kinakamusta, lagi nya kong kinakapitan sa Noo tapos tinitignan ang kalagayan ko..

ang lungkot isipin..(natural) hindi naman kasi talaga masarap ang mag isa eh..
pero ang tanong ko sa sarili ko, bakit ako dapat mag ka ganto?

wala naman akong ginawang di maganda..(meron man eh, pinag sisihan ko na dati pa)


Hindi na kami tulad ng dati, di ko na sya pedeng itext, dalawin, puntahan, sunduin, ihatid, alagaan, kamustahin, mahalin, dahil meron ng gumagawa nun para sa kanya..

Nakakalungkot nga naman.....

hindi na tayo tulad ng dati......

Sana naman maging masaya na din ang lahat.....

Once and for all... sana maging masaya din ako.....

Di naman masama kung paminsan minsan isipin ko din naman ang kasiyahan ko..

Mahal ko ang sarili ko, katulad ng pag mamahal ko sa kanya...

Pero pag di na tama, ang ginagawa ko, siguro, dapat wala na kong gawin..

Sa Blog ko nalang idadaan ang ibang bagay....

ang mga bagay na mahirap.... ipaliwanag....

Thursday, October 28, 2010

Pareparehong kwento

Nag sasawa na siguro ang mga kaibigan ko sa mga drama kong paulit ulit lang..

para bang yung sa kantang PARE Ko ng E HEADS...


"pare ko meron akong problema, wag mong sabihin nanaman"

hahaha.. puro ayon lang ang nasasabi ko...


Puro sya ang bukambibig ko sa mga kaibigan ko, pero sa totoo lang kapag nailalabas ko sa kanila/kapag naikwekwento ko, gumagaan ang loob ko at mas nagiging OK ako..

but still di padin masaya...


Hindi ko na malaman kung pano ako magiging masaya..

"nag mukha akong tanga, pinaasa nya lang ako"


"ano banaman ito"



"sabi nya ayaw nya muna mag ka Jowa dehis ako naniwala"


hahaha... sabi nya din.. yun sakin....


"pero minamahal ko sya, di biro.... TL ako sa kanya!"


"alam kong nababaduyan kana sa mga sinasabi ko"



Oh Pare ko!


Meron kabang maipapayo...

kung wala ay OK lang


kailangan lang ang iyong pakikiramay...

nandito ka ay AYOS na..


"Masakit man isipin kungkelan ka naging seryoso saka kanya gagaguhin...."





-tamang kanta..

astig din pala mag blog... habang nag sa-sound3p.. nakakarelate ako ng sobra..

ma try sa ibang kanta next time.....

ang buhay single

Ang buhay single


-walang ibang iniisip
-nakapokus kalang sa sarili mo
-hindi ka takot gawin ang kahit na ano
-hindi ka takot dumikit sa iba
-walang limitation
-ok lang kahit di ka umuwi
-ok lang mag dota kahit ilang oras
-ok lang kahit anong oras matulog
-hindi ka kelangan mag load
-hindi ka kelangan mag tira ng xtra load
-hindi ka kelangan makitxt para matxt ang partner mo
-lagi kang may time sa family mo
-kapag wala na ang mga kaibigan mo malungkot kana
-walang kahati sa pagkain
-wala kang hihintayin
-wala kang ibang problema
-nakakawalang ganang kumain


Ang buhay single ay talagang masarap...

Pero Sa totoo lang HINDI MASAYA.....

Monday, October 25, 2010

DUWAG ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

bakit ba di mo ko pinag laban! sana sinabi ko nalang na di ko kayang mawala ka sa piling ko, sana naging mahina nalang ako..

sana di ko nalang kinaya para ngayon tayo padin dalawa...

HINDI masaya pag WALA ka...

Nakakalumbay..

Pag mag isa na ko, wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi ikaw lang..

ikaw lang ang naiisip ng makitid kong isip,

ang alala ng kahapon na kay sarap balik balikan

at siguradong di nakakasawa..

sa bawat araw na lumilipas, nagiging komplikado ang lahat, lalo tayong nalalayo sa isat isa...

ayokong dumating ang panahon na huli na ang lahat para satin..

Sabihin mo sakin kung pano ako mag mamahal ng iba kung ako padin ang nasa puso mo/ at ikaw padin ang sigaw ng puso ko...

san ako mag sisimula. pano ko sasabihin na mahal kita, kung meron na ng nauna!

pano ko ipag sisigawan sa buong mundo kung gano kita kamahal, kung meron ng gumawa nito para sayo..

pano ko papatunayan kung meron gustong humigit sa lahat ng ginawa ko...

Pano ako isasagwan ang bangka na sinasakyan ko kung nasa kalsada naman ito..

i love you padin..

bilisan mo!

handa akong tanggapin ang lahat sayo uli..

handa ako...

handa ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

alam ko madaming man tutol pero mas madaming sasang ayon! pag nalaman nila na masaya tayo sa isat isa!

Ako na nga ang TANGA

pOtek! daming pampam ah. pero di ako papayag na maririnig ko pa talaga ang salitang TANGA sa taong wala naman talagang alam! ano banaman yun, grabe! sila!


Nag kataon na may pinag dadaanan lang ako/sya/kami, pero pag natapos to! magiging OK din ang lahat....

hay.. sana maayos na ang lahat...

sana maging..

pag balik nya sya padin ang lahat..

sya padin ang mahal ko...

‎" hindi lahat nang may relasyon ay nagmamahalan at hindi din lahat nang nagmamahalan ay may relasyon"

‎" hindi lahat nang may relasyon ay nagmamahalan at hindi din lahat nang nagmamahalan ay may relasyon"


para kaming ganto ngayon ah..

nakakagulat ang salitang narinig ko kahapon...

"i love you"

paki ulit nga

"I LOVE YOU"

hahahaha.. tama yung dinig ko.. tama yung hinala ko.. mahal pa nga din ako..

sana kami nalang ulit.. sana..

handa naman ako... eh

Sunday, October 10, 2010

Kamusta?

yun yung txt nya sakin..

Hindi ko talaga alam kahapon kung sino talaga ang nag txt wala ako idea, ikaw pala yun.. ikaw pala wakoko/tabs.. ang tagal ko nadin di kita natatawag ng ganto..



nung party sabi mo..

Arianne: tama na, ayoko na, kalimutan mo na ko..

Ilo: kaya pa to, mag tiwala kalang

Arianne: hindi na

REPEAT 100X..

Ayun yung mga salitang paulit ulit na iniisip ng makitid kong isip..

HAY... sa totoo lang di naman naging madali ang pag iwas ko..

Sa kada tingin ko kasama mo sya, kinakailangan kong umiwas ng tingin, kinakailangan kong tumalikod, umalis, lumayo, at pag nadidinig ko na ang boses mo kinakailangan ko ng itodo ang volume ng headset para di ko marinig.

Kinakailangan kong tumambay ulit sa mga barkada ko sa court.. kinakilangan kong mag paka adik ulit sa dota, kinakailangan kong mag pa busy ng todo, kinakailangan kong mag inom, hindi umuwi para lang ma control ang sarili ko na wag pumunta jan, kinakailangan kong pagurin ang sarili ko para di kita maisip pag matutulog na ko..


Pag tulog ko nung mga unang linggo, ang tanong ko padin BAKIT? ano bang ginawa ko...
Sa totoo lang NAPAKA SAKIT .. pero yung pinaka totoo MAHAL NA MAHAL PADIN kita.


Kahit nakikita kita na kasama ang iba.. o sya..

Kagulat talaga yung txt mo... ngayon di ko alam kung mga txtxt kapa ulit,

Hindi ko alam kung dapat ba kong manligaw, parang ayaw ko ata... ayoko ng kasabay sya, sige papaunahin ko nalang muna sya.. kung mamahalin mo sya, edi kayo na...

Kilala mo ko, ayaw ko ng may kasabay, hindi ako bumabanat ng may iba, lalaki ako... hinihintay ko yung right time ko!

Kung hindi tayo baka kayo.

wala padin akong makitang bago, wala padin akong mahanap...
Nakakulong padin ako sayo..

ikaw padin yung nandito...

ikaw padin ang lahat lahat...

sana nag tiwala ka sakin....

edi sana hindi tayo nag ka ganto..

pero natuto naman ako eh..

nalaman ko kung pano ma BH sa taong mahal na mahal mo..

Alam mo ba kung ano kinasasama ng loob ko, YUNG AKALA KO EH, KINAYA MO KONG KALIMUTAN NG ISANG GABI LANG. pero mali pala ako... yun yung akala ko..


Ilang beses nadin akong nag temp na mag sulat ng love story natin, pero naisip ko hindi magandang mag sulat ng story kung yung side ko lang ang masusulat ko, sa totoo lang wala akong alam sa dinadala mo.. naaawa na talaga ako sayo.. kung ano lang ang alam ko ngayon ayun lang talaga... hindi ko hinangad na may malaman dahil natatakot ako sayo... natatakot na baka mareject nanaman.... natatakot ako...

ang tagal ko ng di nakikita ang family mo... ang tagal nadin ng 3weeks, maxdo palang mahirap...

alam mo kung bakit ko kinaya? kasi akala ko wala na talaga, akala ko di mo na ko mahal,

HINDI AKO SUMUKO! PINASUKO MO KO..

kaya wala akong ibang magawa..

Kung babalik ka sakin, bakit hindi..

Hindi panaman huli ang lahat...

Open arms parin kitang tatanggapin at ipapakilala muli sa mga taong mahal ko, ipag mamalaki, at ipapakita na ikaw lang ang pinaka magandang babae sa buong mundo kasunod sa MAMA ko...