Saturday, November 13, 2010

Pag tanggap!

madali lang naman tanggapin eh,

mahirap lang naman pangatawanan!

sa totoo lang.. kaya naman talaga eh!

sinasabi ko sayo, subukan mo lang naman eh, siguradong magiging ok din ang lahat!

tama nga!

ayun kasi ang nang yari sakin eh!

kita mu kinaya ku hehhehehe

yabang eh no..

pero mahirap naman talaga sa umpisa, pero tandaan mo makakasanayan mu rin yan!

Thursday, November 11, 2010

how do you see your self 10yrs from now?

How do i see my self 10yrs from now? kanabahan agad ako! nakaw english dapat, napapasabak nanaman ako sa mali kong sentences at maling spelling pag nag kataon.

Hehhe, babawi na lang ako dito sa blog ko.. dito ko sasabihin yung mga di ko masabi kanina, dito kasi di required na english ang sulat eh. hehehe ^__^

10yrs from now, siguro isa na kong pamilyadong tao ng panahon na yun, meron na siguro akong asawa at anak or mga anak? Hindi ko din alam kung licence na ko bilang isang RECE, sa totoo lang di ko alam kung papasa ako sa board exam ng ECE, pero sana maging Professional Engineer ako balang araw.

Naiimagine ko na 10yrs, from now, 50% ng pangarap ko para sa pamilya ko ay natupad ko, at tutuparin ko pa yung natitirang 50% sa susunod na 10yrs, siguro mga age 40? successful na din ang pangarap ko para sa kanila..

10yrs? ano na nga kaya aku? mas mabuting tao nga kaya ako? ng panahon nayon o masama? mas mayabang? Pero hindi ko din alam, Sa ngayon naman maganda ang mga pananaw ko sa buhay, maganda ang hangarin ko sa buhay, madami akong gusto magawa, pero tamad ako.

10yrs from now, siguro may sarili na kong pamilya at nakatira kami sa isang simpleng bahay, kapailing ang aking asawa at mga anak, tapos meron simpleng sasakyan at motor, hindi mo masasabing mayaman, at di rin mahirap, ika nga tama lang. ayun lang naman ang gusto ko sa buhay. ang simpleng buhay pero kuntento!..

Tuesday, November 9, 2010

Bakit di kayo maniwla?

Bakit ganon? "Pag tinanong nila ako kung kamusta na?" tapos pag sinabing OK na ko eh bigla nilang sasabihin weeee?

Tapos hindi sila maniniwala!

Ang gulo naman nila, ok nanaman talaga ako e, kaso may konti pading pain, tampo, galit, at pag kainis, di mo naman matatanggal agad sa akin yun, nasaktan kasi talaga ako, at nahirapan. Kung pede nga lang maging ok na talaga ako, pero minsan kelangan ko talaga sabihin na ok lang ako para matapos na ang topic...

Bakit? Ako nag ka ganto, simple lang kasi sinaktan ako. Kung naging patas lang sana sya, ops!tapos na nga pala, hindi ako nagsisisi, wapakels na ko sa kanila, sa kanya! Wapakels na talaga eh....

I love my self! Hahaha super, kaya kelangan kong alagaan ang sarili ko!

Ikaw!mahalin mo din ang sarili mo, kapag nawala yang partner mo baka mahirapan ka ng sobra, mag tira kana habang maaga pa, para sa huli hindi mawala ang lahat sayo.

Hindi ko sana iiwan eh, kaso mapilit!

Sabi ko before "hinding hindi ko sya iiwan hanggat may love na namamagitan saming dalawa".

Nata uhan tuloy ako bigla? Asan ako ngayon? Mag isang nag mamahal? Pinipilit mawala ang pag ibig na wala ng saysay pa kung ipag papatuloy.

Hindi ko alam kung may nararamdaman pa sya sakin, kung ano pa man, wala na kong bakla pang malaman, at wala ng kwenta pa dahil meron na syang iba.

Sabi ng iba, bakit daw ang bilis? Sabi ko nalang ganon talaga eh, wala na kong nagawa, pero gumawa naman ako ng paraan para maayos sana namin to noon.

Wala naman akong pinag sisisihan, kung nawala man sya, wala naman nawala sakin, mas madami na akong time para sa sarili ko, at sarili ko lang ang iniintindi ko.

Wala na kong magagawa pa... Ganyan talaga ang buhay pana panahon, nag katoon na panahon ko ngayon para masaktan at matuto, sa susunod masaya na ulit ako.

Paikot ikot lang ang buhay ng tao, kung nasa ilalim ka ngayon, maaring bukas nasa ibabaw kanaman.. Paikot ikot lang yan!

Monday, November 8, 2010

yes!malapit na!

9days left, salamat at malapit nadin matapos, malapit nadin matapos ang sarili kong 3months rule, yung kasama ko kasi iniwan agad ako sa ere, at pinag palit ako sa iba eh.

Akala ko panaman kung mag bo-boyfriend sya eh, akala ko hihintayin nya, sa totoo lang para akong nabastos, parang binastos nya yung relasyon namin na pinahalagahan ko ng lubos, kaya di ko din maiwasan mag damdam, pag naiisip ko na nagawa akong ipag palit sa lumipas na maikling panahon.

Sa tutuusin pede nadin naman ako man ligawa ng iba, pede nadin naman ako mag hanap, pero hindi ko ginawa, alam mo kung bakit? masyo ko kasing ginalang ang relasyon namin na tumagal ng 1yr at 3months.

Sa ngayon naman sanay na kong nakikita sila, hindi naman ako nag seselos pag mag kasama sila.

Sa susunod na naman ako naman ang may bagong partner.

salamat sa mga tumulong sakin, para marealize kong ang pagiging tanga ko sa kanya, sobrang naging tangga akO! sobrang kong napraning na sya lang ang babae mundo, pero hindi naman! madami pa jan, alam ko..

makakahanap ako! pag katapos nito!

Katherine Ruado!

Nagulat kaba?

Katherine Ruado?

Sino ba to? i know nag babasa ka ng blog ko now, salamat!

hahaha. Si boss ika nga, Nakakatuwa na pinagtyatyagaan nyang basahin ang panget kong blog.

Si Katherine, Classmate ko, simula 1st yr college hanggang ngayon, matalino yan, masipag, at magaling mag turo.

Kapag may hindi ako alam na topic sa pag aaral sa kanya ako unang nag papaturo, kasi magaling sya mag explain eh, naiintindihan ko, at siguradong lahat ng alam nya eh ituturo sayo.

Hindi Ka KJ? diba boss? ngiti ka ngayon ano? di mo alam ikaw na ang bina blog ko ngayon, naisip ko lang naman na i topic ka.

Sa totoo lang di ko din akalain na isa sya sa mga tao na pag oopenan ko about sa emotion ko, nakakatuwa na binabasa nya ang blog, katulad ngayon.

Iniisip ko natutuwa ka, hehehe.

Thanks po boss, isa ka sa dahilan kung bakit ako regular ngayon. salamat sa pag tyatyaga sa pag turo sa maliit kong utak.

Salamat sa pag POKE sa FB, hehehe..

^__^

sana makabawi ako.. hahaha, kaso pano? pero saka ko nalang muna iisipin yon..

basta pag ikaw naman may problema, sana mag share kadin sakin, wag ka mag alala di ako mag iingay, mag ba-blog lang ako..

Thanks a lot BOSS!

Dota

Kayo na po ang mag raise ng pusta?

Sige, 500 pusta namin..


Pustahan dito, pustahan doon, dayo sa shop, dayo sila.


TrashTalk dito, trashtalk sa kabila,

Mura dito, sagot din naman ng mura ng kabilang grupo. Hanggang sa puro mura nalang ang maririnig mo sa computer shop. (parang mga baliw na nag mumura)

Kung sino sino nadin naman ang nakalaban namin, syempre isa ako sa main player ng team namin, isa ako sa nag dadala at nasisi pag natatalo ang laban, ika nga mataas ang expectation nila sakin pag dating sa pustahan, dapat daw ako ang mag dala ng laro, madalas man talo, madalas din naman nananalo, ang gusto ko lang naman sa pustahan ay yung mismong laro eh, iba kasi ang laro pag pustahan sa normal, madalas kasi ang kalaban namin ay di hamak na mas magaling samin, kaya mas nachachallenge kami sa laban, at kung matalo man eh gagayahin na namin ung ginawa ng nakalaban namin para ipang laban sa iba pang dadayo.

Nakakatuwa ngang isipin na ang mga kapusthan namin dati ay kakampi nanamin ngayon, yung mga nakalaban namin eh tropa nanamin ngayon, at nakakalaro halos araw araw. nag kakaroon din ng bonding samin, mas madami na tuloy kami ngayon.

Sa shop na nilalaruan namin ngayon kami nag kasama sama, Napaka dami naming nag do-dota, at pag pustahan na kanya kanyang pusta para sa aming TEAM, kanya kanyang suporta at pag natalo kanya kanya din sisihan.

DOTA? sa ngayon isa ang dota sa nag papasaya at pinag lalaanan ko ng oras, kesa mag bisyo ako, mag dodota nalang ako, madami pang kasama, masakit man sa bulsa, hindi naman nakakasakit ng iba.

Wag mo lang isisi sa dota ang grades mo pag bagsak! dahil ikaw ang nag desisyon na mag dota, at hindi ka pinilit ng dota na pindotin mo ang keyboard at mouse para laruin ito.

Selos?

Nakakatulong nga ba sa isang relasyon ang selos?

Sa tingin ko, OO, kasi napapakita mo sa isang tao na may feelings ka talaga sa kanya, dahil nag seselos ka, may ibang tao na ikinatutuwa pa nga ang pag seselos ng partner nila eh, dahil dun napapatunayan nila na mahal talaga sila nito.

Bakit nga ba kelangan mag selos?

Nag seselos lang naman ang isang tao pag kulang sila sa atensyon, pansin, at kung di ka interesado na makasama sila.

Bakit may mga taong sobrang seloso?

Tama lang na mag selos ka paminsan minsan pero kung magiging madalas ito, hindi na ata maganda para sa isang relasyon, magiging dahilan pa to para masira ang inyong relasyon.




-Ako? hindi ako seleso, bakit? kasi may tiwala ako sa taong kasama ko, may tiwala ako sa partner ko, napaka bihiran kong maramdaman ito.

Ang love ay hindi lang kayo nag mamahalan
Dapat may tiwala kayo sa isa't isa
Kelangan ng pag kakaunawaan
At kelangan Dalawa kayong nag dedesisyon
Para sa inyong relasyon

Sunday, November 7, 2010

Pasukan na pala

Last week panaman may pasok, kaso wala padin naman nag turo.

Mukang wala nanaman prof ngayong araw na to, pero di nanaman to bago pa sa aming mga estudyante, natural na pang yayari na to, sa loob ng apat na taon ng pag aaral namin ng ECE sa URSM, eh sanay na kami sa gantong pang yayari, ika nga mas maninibago pa kami kung biglang may mag tuturo.

Sana naman mas madami kaming matutunan, at sana mas sumipag pa kami sa pag aaral, tatlong sem nalang kung tutuusin, kelangan nalang tapusin ang course na to ng walang bagsak, kelangan ko ng maka graduate....

Friday, November 5, 2010

I wanna be an Engineer



Tamang tama to para samin..

haha

Kalbo?

hahaha, kalbo nanaman ako, san nga ba nag simula to.

Nong 3rd yr kasi ako, sinabi ko mag papakalbo ako basta maging regular lang, akala ko naman kasi noon magiging iregular ako, at nai-dare ko nalang ang sarili ko na mag papakalbo ako basta ba PASA lahat ng GRADE ko, at ayun nga, pag kuha ng grade! pasa lahat ng subject ko kaya na pa kalbo ako, at dito na nag simula ang pag papakalbo ko kada sem, basta pasa lahat ng subject ko magpapalbo na ko, basta regular student ako, at nakatuwaan na din itong abangan ng mga taong malalapit sakin katulad ng family ko at mga mga close friends ko...

Naging panata ko na nga daw ito, di ko naman din kasi akalain na magiging regular student ako, hindi naman kasi ako matalino eh, at lalong di ako masipag kaya nag tataka din ako kung bakit hanggang ngayon eh regular student padin ako, pero sa totoo lang, lagi akong nag dadasal kay God, at tinatry ko lagi ang best ko every time na mag reremedial sa mga tagilid kong subject, napaka swerte ko nga at hanggang ngayon eh pinapalad padin..

Sana matapos ko na to.. 3SEM na REGULAR STANDING PA! tapos na to, sana Palarin..

At di ako mag sasawa mag pa kalbo basta regular padin hehehe..

para kay bunso...

Ok lang masaktan ka, ok lang na sabihin mo na mahal mo sya, pero sa nakikita ko sa ngayon, parang sobra na?

Easy kalang bunso, babae ka po! hindi ka dapat humahabol sa lalaki, ano kaba, kung marereliaze nya na mali sya, eh malalaman nya yun, wag mo naman masyado ipokus ang mundo mo sa kanya, maaaring maging kayo ulit at maaari din naman na hindi na.

pero kung ano pa man ang mang yayari dapat handa ka, wag mong ipakita sa kanya na hindi mo kaya na wala sya, ipakita mo na nanjan man sya o wala eh, IKAW padin yan! na hindi sya kawalan sayo, siguro kaya kayo nag ka hiwalay eh, hindi pa tama ang panahon, at siguro sobra yung love na binigay mo sa ngayon? kelangan mo sigurong marealize na hindi lang sya ang pedeng mahalin.

"Sa lahat ng nagawa ikaw lang ang tama. bigla pang nawala.."

Hindi din siguro,Mas madami ka sigurong magagawang tama ngayon dahil wala na sya, tandaan mo hindi lang nama sya ang lalaki dito sa mundo, tanggapin mo lang..

Kung mahal ka nya talaga, kakainin nya ang pride nya! DUWAG lang ang lalaking May pride pag dating sa love...

mas mahalaga ang kasiyahan kesa sa pride..

Kung talagang mahal ka nya, sigurado akong magiging kayo ulit, pero kung dumating ang time na nakarecover kana at saka sya bumalik at nag kataon may bago kana, Piliin mo yun kung san ka masaya.

"o baka naman nabubuhay kalang sa alala ng 3taon?"

Pinipilit mong ibalik dahil ayaw mong harapin ang bukas na wala sya, yung bang sa loob ng nang yari sa 3yrs eh ini-imagine mo na ganto dapat yung nang yari kung kasama mo pa sya. MALING MALI yUN, Wala naman perpekto dito sa mundo, lahat naman nag babago eh, dapat siguro tanggapin mo na muna sa ngayon..

Wag kang gaanong mag pokus sa kanya, wag mo syang isipin, lugi ka kung hindi ka nya iniisip..

Mag pokus ka sa family mo at sa ibang bagay...
nakakasanayan naman lahat ng bagay sa mundo eh..


Hindi ko padin naman alam ang true story, pero eto lang yung mabablog ko...

Pag tyagaan mo nalang hehehe..

KAYA MO YAN BUNSO!

Payo ni tatay

Sabi ni tatay, pag daw naisip mo na GUSTO MONG MAKITA YUNG MAHAL/GUSTO MO, GO!!! wag mong papalampasin ang araw na di mo sya nakikita! gawin mo ang lahat, kung ano man ang maisipan mo, gawin mu! para wala kang pagsisihan..

Sa sinabi yun ni tatay, mejo nagkapareho kami.

Noon ganon ako, pero ngayon, HINDI na muna, kasi HINDI NA KAMI TULAD NG DATI, kelangan kong tanggapin! wala na at ayaw ko na!

Boring daw!

Ang kelangan daw, sabi sakin ni tatay, dapat daw di ka boring pag kasama mo ang babae,

Ayun daw yung napansin nyang kulang sakin, nung dating kami pa ni arianne..


BORING? nga ba ako, hahaha, hindi ata ako papayag, kasi madaldal ako eh, makulit ako, at hindi ako boring, Moody pa siguro ako, kasi once or twice a month inaatake ako ng pagiging abnormal ko, yung bang bigla lang ako may sumpong tapos ayaw ko ng may kausap.

Nadagdag pa nya na hindi daw ako sweet, sa totoo lang di naman talaga ako sweet, lalo na sa public places, ayoko kasi ng PDA, may tamang lugar naman kasi para maging sweet kayo ng partner nyo, at hindi nyo dapat ipangalandakan sa iba na sweet kayo, kasi siguradong maiinggit sila, at maasar lang sa inyo.

Hay, yun pala yung tingin ng iba sakin?? mahina daw ako, pero sige na nga, wala nanaman akong magagawa padun.

Dagdag pa nya, wag daw ako mag habol, TAMA! ayun lang ata ang tama nyang sinabi sakin hahaha, hindi na naman ako nag hahabol, na try ko nanaman ang best ko.

Thursday, November 4, 2010

kamusta naman ako ngayon?

Hindi naman ako ok pero hindi ibig sabihin na na di ako masaya, may mga bagay lang sa ngayon na hindi ko kayang maging masaya mag isa, kelangan ko lagi may kausap,makasama at libangan.

Kelangan kong mag pakatatag, naniniwala sya na malakas ako, na kaya kong i handle ang lahat dahil matured ako, ako alam ko ang tama at ang mali.

Mahal? ilan beses na ba kong nag mahal ng totoo? Sa totoo lang madami na, pero mabilis din mawala yun, pero sa sitwasyon ngayon, mukang mahirap mag salita ng tapos hahaha, kaya ko na to pero di ko alam kung hanggang kelan... Hehehe...


Wish me luck, and God bless sakin, sana kayanin.. Hehe.. I love my self...

Palawakin mo nalang ang mundo mo, kung saan di sya kasama

yan yung nabasa kong quotes, tama naman...

Kaya ayan ang ginagawa ko ngayon, Pinipilit kong palawakin sa ibang bagay, sinasanay ko ang sarili ko kung saan di ko sya maiisip, at di ko maalala.

Sadya kay hirap, pero ano nga ba ang magagawa mo kung hindi na sya kasama sa mundo mo? kung pinilit nya lumayo sayo? Hindi naman hihinto ang mundo mo porket nawala sya, ang kelangan mo lang naman gawin ay pag aralan mo nalang palawakin ang mundo mo sa paraan na hindi na kasama ang dati mong mundo...

Kelangan mong tanggapin sa sarili, sa totoo lang mahirap naman talaga sa umpisa, pero isipin mo, kung di mo sisimulan eh kelan matatapos? karapat dapat ba na ubusin mo ang oras sa kakaisip sa taong di kanaman iniisip?

Unfair! life is unfair! pero di mo kelangan maging unfair sa sarili mu, kelangan mong maging fair, kelangan mong tanggapin!

Pag nasimulan mo na, pakonte konte na, magiging OK din ang lahat, pag dating ng tamang panahon, pag dating ng tamang panahon, mag mamahal ka ng iba, ng higit pa sa nang iwan sayo...

kelangan mong tanggapin!

kelangan mong maging masaya! kung masaya sya, mas deserving kang maging masaya! para sa mga taong gusto kang makitang masaya!

kUng patuloy kang mabubuhay sa nakaraan, paano ka mabubuhay sa kasalukuyan? at pano mu haharapin ang bukas?

Kelangan mong maging matapang! para harapin sya, kung makakasalubong o kung kakausapin ka nya.

Kelangan mong mag pigil! pag namimiss mo na sya, pigilan mo, kelangan wag! kelangan hindi kana gumawa pa ng paraan para mag kita kayo!

Kelangan mong umiwas! tama! kelangan mo na syang iwasan! dahil hindi pa tama na mag karoon kayo ng communication kung may nararamdaman kapa sa kanya..


next time ulit..

Tip ko sa sarili ko.. hahaha

pede rin tip ko sa mabo-broken at sa broken hearted na katulad ko.....

Ok na nga ba talaga?

Hahahaha, di ako sinungaling na tao, Totoo naman na Ok na ko, pero di padin talaga, pero kelangan kong ipakita sa iba o sa lahat na OK na talaga ako, na hindi na ako affected pa sa kung ano man ang marinig ko,makita ko, at makwento sakin.


Mas kelangan ako mag pokus sa sarili ko ngayon, sa pag aaral ko, pamilya at sa mga taong tumutulong para makalimutan ko sya.

kelangan ko pa ng konti pang panahon, hindi ko lang talaga alam kung hanggang kelan yung konting panahon na yun, pero sa totoo lang ayaw ko na kung sa ngayon, di ko lang alam sa susunod, kung mag babago pa ang pasya ko..


Alam ko naman na sa nang yayaring to, hindi lang ako ang nahihirapan, kaya mas kinakaya ko!

^___^

masasabi ko sa ngayon na masaya na ako ng ganto, pano pa pag nag ka partner nadin ako, mas sasaya ako...

Wednesday, November 3, 2010

masaya na ko ng ganto, mahirap nga talaga sa umpisa pero magiging ok din talaga ang lahat, yung una iniisip ko palang na wala na eh, parang di ko na kakayanin, buti nalang na i try ko... di padin naman ako totally ok pero masasabi ko ngayon na di ko na sya gaanong naiisip, at mas masaya ko ngayon dahil madami akong kaibigan,madaming kalaro, at madaming nagagawa,.

Magiging maayos kadin, kaya mo din! Kung ako nga kinaya ko, ikaw pa?

Sanayin mo nalang ang mundo mo na di mo sya kasama, pilitin mo sa sarili mo na wag nang makipag communicate sa kanya, ipakita mo na mas magiging better ka kung wala sya. Kayanin mo ang lahat, kayanin mo.

Kung hindi man kayo ngayon, baka susunod marealize nya na nag kamali sya sa pag iwan xau, pag dumating ang time na yun, ikaw na naman ang bumawi, hehehe. Joke lang, kung kayo kayo talaga, kung hindi edi para sya sa iba!

Necklace

Thank you Lord... Gusto ko talaga makuha yan..


-kasi dahil nakakuha na ko ng hard hat dati, at gusto ko makakuha din ng reward ngaung 4th yr..

-gusto makuha para sa family ko especially para kay mama at papa.

-gusto ko makuha para sa regular standing ng 4thyr

-para mas pag butihan ko pa ang pag aaral ko

-gusto ko makuha para! ipakita na kaya kong kunin ang necklace kahit hindi na kami!

thank you po talaga...


thanks sa lahat ng tumulong para makuha ko un!


salamat!

Tuesday, November 2, 2010

2hrs nag mukhang tanga

We met nung last,last,last monday at nag kasabay kami ngayon ulit sa pag uwi, sana next time ulit..


Nakasabay nga ba o sinabayan? hahaha.

nung nakita namin ni Og, nagkayayaan na agad kaming umuwi hahaha, tapos akala namin uuwi na yun pala mag se-savemore pa, tapos hinintay namin sa pandayan, pag katapos naman nila mag savemore nag funhouse, tapos hinintay namin kasama si Omel sa labas ng morong tapos, ayun bigla may sumakay sa tricycle tapos sumama kami, sinadya namin, tapos sabi na namin, kung mag kakasabay mag kakasabay, tapos pag balik namin nakita namin ung mga kaklase na pauwi na, bigla kaming sakay sa jeep tapos ayun YUN! nag kasabay! ahaha. sinabayan pala, hindi naman namin kinausap tapos yung sa high way na, sinabayan na namin pag baba, tapos dinala ni OG ung gamit ni DO I KNOW U, tapos nakisabay kami ng tricycle sa kanila, tapos sa tricycle kinuha ko yung mga full name nila para ma add sa FB, tapos ayun baba sa jollibee, tapos nag pumasok sila dun, tapos sumunod padin kami, napa jollibee tuloy kami ng di oras hahaha,(KKB) tapos ayun order, makiki sama sana kami sa table nila kaso kompleto na sila dun kaya malayo yung table namin, tapos ayun pag katapos kumain, tapos na, labas kami sa jollibee tapos pag ka labas nila tinignan lang namin kung san sila dumaan tapos ayun..


ayun lang.. 2hrs kaming nag habol habol sa kanila hehehe

pero nakakatuwa, at nakakamis ang mga ganong tagpo

BLOG

yan lang ang madalas kong gawin ngaun sa computer, pag katapos kong mag dota/ninja saga/ mag reply sa mga post.

Ang pag sulat na sa blog ang tangi kong magagawa, sa totoo lang naman di na ko nag sasawa sa ngayon, at gusto ko din naman na may nakakabasa, kung meron man sana nag eenjoy ka kahit pano, sana mapagtyagaan mo to, at sana mag pabalik balik ka kung ok lang...


trip ko lang din ngayong mga panahon na to na mag blog, at ayaw ko mawala sa isip ko ang mga bagay na gusto kong itype na hindi ko pa na i ba-blog...

Eto kasi talaga ang ginagawa ko pag wala akong makausap, ang kausapin ang computer sa pamamagitan ng pag ta-type ng saloobin, gusto,paniniwala at kung ano ano pa..


Kung nababasa mo to, pls visit again and again, thank you po..

Monday, November 1, 2010

Sarili ko lang iniisip ko ngaun..awts

sabi ni mama, pero tama naman sya, alam naman nya ang lahat eh, sya ang mas nakakakilala sakin, kumpara sa iba.


sya lang naman ang taong ayaw kong makaaway, gusto ko lagi kaming bati, siya ang pinaka mabait na mama.. hahaha

sipsip eh no, kc sa totoo lang ako alam ko ako na ako ang pinaka paborito nyang anak, hehehee..


i am glad to know that!


hahaha..

every time na aalis ako ng bahay lagi ko na syang kinikiss kasi walang nag lalambing sa kanya eh, kaya kahit pano pinapagaan ko nalang ang loob nya, kasi sa totoo lang ang dami nya problema, more on financial problem because of me, ako ang isa sa mga dahilan kung bakit kami nabaon sa utang. how sad.


dito muna.. next time ulit

Dota

Dota nalang naman ang libangan ko ngaun, kapag pumupunta ko sa mga tropa ko mga bc.. no choice. kelangan, talaga mag dota hahaha..


Dota padin ang libangan ko sa lumipas na matagal na panahon hahahaha..


d naman nakakasawa...

iwan mo man, babalikan mo din