Friday, October 29, 2010

Ang kwento ko....

Sunday non, bakasyon....

may nag txt sa CP ng mama ko ng quotes, tapos nabasa ko, may load si mama kaya nireplyan ko yung txt nya, tapos tinanong ko.

me:who u

tapos nag reply:arianne

me:sino yun?

arianne: yung pamangkin ni tita miner

me:sino di ko kilala?

tapos nag met kami sa labasan ng street nila..


ayon nag kita kami. sya pala yung batang nag aaral sa BES, dati kong school mate na matalino, at masipag, yung madalas maikwento, yung madalas mautusan pag usapan assignment na ang topic ng mga mag aaral sa lugar namin..

Simula nun naging mag katxt kami..

masaya syang katxt...

Tapos na pakilala ko sya sa kaibigan ko, crush pala nya yun, tapos akala ko nun magiging sila tapos hindi pala...

after a months nagulat ako, nag kakagusto na sya sakin, sa totoo lang gusto ko nadin naman sya ng panahon na yun ang kaso may mahal akong iba, mahal ko pa ang bestfriend ko nun,

Dati nung mag katxt kami... naging topic namin, yung about "kung sino ang top 1 na katxt mo"

sabi nya ako daw..

at sabi ko sya din..

kasi sa totoo lang masaya ako pag katxt sya, sa kanya lang ako di nauubusan ng topic pag mag katxt kami, sya pati yung pag nag txt ay sigurado akong di ko matitiis mareplayan...

Nag tagal kami sa ganong sitwasyon, halos araw araw kaming mag katxt, at dumating ang time na nag kakagustuhan na kami ng di namin namamalayan.

Sunday non, july 27 2006 naging topic namin ang about sa relation ship tapos, nang gabing yun naging kami, kahit di malinaw sakin na mahal ko na sya? dahil ng panahon na yun inlove padin ako sa best friend ko.

Naging maganda din ang relasyon namin noon, bihira lang kami magkita, magkikita lang kami siguro 2x a week, dahil masyado pa kaming bata non, at ayaw padin namin na ibulgar sa mga magulang namin ang aming relasyon.

Nag karoon ng Party sa school namin noon, at nag sabi ako sa kanya na pupunta ako, Nang nasa party na ko.. may nakita akong kamukha ni arianne, nag taka ako? may kamukha ba sya sa school namin? mejo nagtaka ako, at tuloy kami sa entrance para makapasok sa school, excited kami ng mga tropa ko dahil mag sasayaw nanaman kami ng mga chicks. Nang lumipas ang 1hr, may nakita nanaman akong kamukha ni arianne! Hindi pala nya kamukha, Sya pala talaga yun, kagulat, Biglang nasira ang plano ko. Sumama daw sya ng party dahil pumunta yung pinsan nya, Tinanong ko sya kung pano nakapasok ang outsider tapos sabi nya nang hiram daw sya ng ID.Mag kasama kami ng buong gabi, 1st dance ko sya ng gabing yon, at ako daw ang 1st dance nya, nang napagod na kami sa pag sayaw pinakilala ko sya sa bestfriend kong teacher at sa iba ko pang mga ka-schoolmate, nang matapos kami don, nag pasya kami na tumambay nalang sa isang tabi at natulog ng nakaupo, Nang matapos ang party nag pasya na kaming umuwi. ang saya ng party na yun, unexpected ang pang yayari, pero masaya ko sya ang kasama ko ng buong mag damag na yun.


After a week, nag karoon sila ng tour, mag katext parin kami kahit nasa tour sya, tapos sabi nya sunduin ko daw sya, tapos past 9PM na wala padin pero still nag hintay padin ako sa tapat ng PBTS, ayun dumating din, umuulan ng gabing yon kaya may dala akong malaking payong, nang ihahatid ko na sya, tinanong ko sya, san mo gusto dumaan? sa mahabang daan o sa maikling daan? Ang sagot ba naman nya sa malayo, para mas matagal kaming mag kasama, tapos yun daan naman kami sa long way na daan, tapos yung nandun na malapit sa bahay nila, mag go-goodnight kiss lang sana ko sa kanya sa pisngi at nag kamali ako ng kiss, natama sa lips, at yun ang una kong 1st kiss, at una din nyang 1st kiss, At ayun ang naging 1st kiss namin, Di ko lang alam kung nasundan pa yun... yung paalis na ko binigyan nya ko ng chocolate, pasalubong daw, ang laki ng chocolate na binigay nya, kinabuksan pinag hatian namin ng mama ko at mga kapatid ko.

Dumating yung time, na para bang nagi-guilty ako sa feelings ko para sa kanya, kasi inlove padin ako sa bestfriend ko, at the same time inlove ako sa kanya, kaya nag pasya ako na makipag break sa kanya, tapos ayaw nyang pumayag, pero pinilit ko, dahil nakokonsensya na talaga ako ng panahon na yun, at nag break nga kami, tumagal lang ang relasyon namin noon ng 1.5month, pero sa maikling panahon na yun naging masaya ako.

At di ko alam na dun pala mag sisimula ang kalbaryo ko sa kanya....

Lumipas ang isang buwan, nakikipag balikan sya, pero ayaw ko.

Dumaan ang birthday ko, nakikipag balikan sya pero hindi padin kami nag kabalikan, at ayun nag sawa na sya, hindi na sya nakipag balikan..

Nong Christmas eve at Newyear eve niyaya ko syang mag simba at sumama sya, pero sa panahon na yun wala padin nang yari balikan..

Nag daan ang buwan, narealize ko naman ako na talaga ang mali, ako na nag aask na makipag balikan pero ayaw na nya, huli na ang lahat ng panahon na yun, may nakilala na syang iba.

Pinilit kong makipag balikan pero bigo ako ng panahon na yon....

At nawalan kami ng communication ng ilang buwan.....

Dumating ang linggo ng mga Senior, ang seniors week kumbaga, eh may cheering squad competition noon, ininvite ko sya na manood, pero that day pala ang recognition nya sa school kaya di sya nakapunta at napanood ang performance namin, nang matapos kaming mag perform wala padin sya, pag kapatos ng competition punta kami sa bahay ng Teacher namin, at tinex ko sya kung pede akong pumunta? tapos ayun pumayag sya, dali dali akong nag paalam sa teacher ko at sa mga classmate ko para makapuntang binangonan, tapos pag dating ko don tapos na ang awarding nila sa recognition at nasa jolibee sila, pag pasok ko sa jolibee nakita ko na agad sila ng mama nya at tita nya, nakakahiya at nakikain pa ko sa kanila, tapos ayun, hindi ako makasalita ng gabing yun dahil nahihiya ako sa mama at tita nya, hindi kami gaanong nakapag usap, tapos nang matapos kaming kumain umuwi na kami..

Matagal ulit bago kaming nag karoon ng communication, parang nawala nanaman ng parang bula.....



Dito na muna.. Yung susunod na mga part ay siguradong mas mahaba.... i hope matapos ko bago mag november 10, para magawan ko na to, ng story....

1 comment: