Monday, November 8, 2010

Dota

Kayo na po ang mag raise ng pusta?

Sige, 500 pusta namin..


Pustahan dito, pustahan doon, dayo sa shop, dayo sila.


TrashTalk dito, trashtalk sa kabila,

Mura dito, sagot din naman ng mura ng kabilang grupo. Hanggang sa puro mura nalang ang maririnig mo sa computer shop. (parang mga baliw na nag mumura)

Kung sino sino nadin naman ang nakalaban namin, syempre isa ako sa main player ng team namin, isa ako sa nag dadala at nasisi pag natatalo ang laban, ika nga mataas ang expectation nila sakin pag dating sa pustahan, dapat daw ako ang mag dala ng laro, madalas man talo, madalas din naman nananalo, ang gusto ko lang naman sa pustahan ay yung mismong laro eh, iba kasi ang laro pag pustahan sa normal, madalas kasi ang kalaban namin ay di hamak na mas magaling samin, kaya mas nachachallenge kami sa laban, at kung matalo man eh gagayahin na namin ung ginawa ng nakalaban namin para ipang laban sa iba pang dadayo.

Nakakatuwa ngang isipin na ang mga kapusthan namin dati ay kakampi nanamin ngayon, yung mga nakalaban namin eh tropa nanamin ngayon, at nakakalaro halos araw araw. nag kakaroon din ng bonding samin, mas madami na tuloy kami ngayon.

Sa shop na nilalaruan namin ngayon kami nag kasama sama, Napaka dami naming nag do-dota, at pag pustahan na kanya kanyang pusta para sa aming TEAM, kanya kanyang suporta at pag natalo kanya kanya din sisihan.

DOTA? sa ngayon isa ang dota sa nag papasaya at pinag lalaanan ko ng oras, kesa mag bisyo ako, mag dodota nalang ako, madami pang kasama, masakit man sa bulsa, hindi naman nakakasakit ng iba.

Wag mo lang isisi sa dota ang grades mo pag bagsak! dahil ikaw ang nag desisyon na mag dota, at hindi ka pinilit ng dota na pindotin mo ang keyboard at mouse para laruin ito.

No comments:

Post a Comment