Friday, November 5, 2010

Kalbo?

hahaha, kalbo nanaman ako, san nga ba nag simula to.

Nong 3rd yr kasi ako, sinabi ko mag papakalbo ako basta maging regular lang, akala ko naman kasi noon magiging iregular ako, at nai-dare ko nalang ang sarili ko na mag papakalbo ako basta ba PASA lahat ng GRADE ko, at ayun nga, pag kuha ng grade! pasa lahat ng subject ko kaya na pa kalbo ako, at dito na nag simula ang pag papakalbo ko kada sem, basta pasa lahat ng subject ko magpapalbo na ko, basta regular student ako, at nakatuwaan na din itong abangan ng mga taong malalapit sakin katulad ng family ko at mga mga close friends ko...

Naging panata ko na nga daw ito, di ko naman din kasi akalain na magiging regular student ako, hindi naman kasi ako matalino eh, at lalong di ako masipag kaya nag tataka din ako kung bakit hanggang ngayon eh regular student padin ako, pero sa totoo lang, lagi akong nag dadasal kay God, at tinatry ko lagi ang best ko every time na mag reremedial sa mga tagilid kong subject, napaka swerte ko nga at hanggang ngayon eh pinapalad padin..

Sana matapos ko na to.. 3SEM na REGULAR STANDING PA! tapos na to, sana Palarin..

At di ako mag sasawa mag pa kalbo basta regular padin hehehe..

No comments:

Post a Comment