Thursday, November 4, 2010

Palawakin mo nalang ang mundo mo, kung saan di sya kasama

yan yung nabasa kong quotes, tama naman...

Kaya ayan ang ginagawa ko ngayon, Pinipilit kong palawakin sa ibang bagay, sinasanay ko ang sarili ko kung saan di ko sya maiisip, at di ko maalala.

Sadya kay hirap, pero ano nga ba ang magagawa mo kung hindi na sya kasama sa mundo mo? kung pinilit nya lumayo sayo? Hindi naman hihinto ang mundo mo porket nawala sya, ang kelangan mo lang naman gawin ay pag aralan mo nalang palawakin ang mundo mo sa paraan na hindi na kasama ang dati mong mundo...

Kelangan mong tanggapin sa sarili, sa totoo lang mahirap naman talaga sa umpisa, pero isipin mo, kung di mo sisimulan eh kelan matatapos? karapat dapat ba na ubusin mo ang oras sa kakaisip sa taong di kanaman iniisip?

Unfair! life is unfair! pero di mo kelangan maging unfair sa sarili mu, kelangan mong maging fair, kelangan mong tanggapin!

Pag nasimulan mo na, pakonte konte na, magiging OK din ang lahat, pag dating ng tamang panahon, pag dating ng tamang panahon, mag mamahal ka ng iba, ng higit pa sa nang iwan sayo...

kelangan mong tanggapin!

kelangan mong maging masaya! kung masaya sya, mas deserving kang maging masaya! para sa mga taong gusto kang makitang masaya!

kUng patuloy kang mabubuhay sa nakaraan, paano ka mabubuhay sa kasalukuyan? at pano mu haharapin ang bukas?

Kelangan mong maging matapang! para harapin sya, kung makakasalubong o kung kakausapin ka nya.

Kelangan mong mag pigil! pag namimiss mo na sya, pigilan mo, kelangan wag! kelangan hindi kana gumawa pa ng paraan para mag kita kayo!

Kelangan mong umiwas! tama! kelangan mo na syang iwasan! dahil hindi pa tama na mag karoon kayo ng communication kung may nararamdaman kapa sa kanya..


next time ulit..

Tip ko sa sarili ko.. hahaha

pede rin tip ko sa mabo-broken at sa broken hearted na katulad ko.....

No comments:

Post a Comment